Sweetest Mistake

"Life offers you a thousand chances..all you have to do is to take one.."

Tuesday, October 31, 2006

Sadyang masaklap ang kapalaran ko, hndi tayo pingsasabay ng mundo..

Habang lumilipas ang panahon.. nahihirapan akong kasama ka.. na para bang inaanod tayo ng malalaking agos ng alon...palayo sa isa't isa..


Tama ka, hindi nga dapat ikaw ang sinisisi ko sa lahat ng mga ngyayari..o0 madalas tayong magkausap.. halos araw araw.. ngunit minsan'y nakakalimutan k0 na rin kung sino sa buhay ko..


Oo mali ako.. lagi naman ako e.. alam kong ginagawa mo ang lahat para maging masaya ako... sinusunod mo ang lahat ng gusto ko..puyat, pagod, luha, paghihirap, pagtitiis, at minsan pa nga'y may kasama ng dugo..pero sadyang masaklap ang kapalaran.. lahat ng iyon ay napupunta sa wala.. nababali wala lang.... At tama ka, manhid nga lang talaga ako.. Dahil hindi ko nakikita ang mga pagbibigay-pugay mo para sa akin..


Kasalanan ko na nga siguto ito dahil pilit akong sumasabay sa mundo mo.. at mas lalo lang siguro akong nakakagulo..trying hard kumbaga.. sumasabay ako kahit alam kong hindi ko naman talaga kaya.. Sa mga pangarap mo..mga paniniwala..pananaw.. at sa iba pa..


Alam kong dapat ko nang simulan ang buhay ko nang maayos at tama.. dahil hindi sa habang buhay ay kasama kita..kailangan kong buksan ang aking mga pakpak at subukang lumipad..Lumipad patungo sa tamang daan.. Tumayo sa sarili kong mga paa..upang sa iyong pag-alis.. kaya k0 nang mag-isa..


Pero napaisip rin ako, may kasalanan ka rin..kung hindi dahil sa mga pagbabali-wala mo at kakulangan ng pagmamahal, hindi ak0 masasaktan ng ganito.. para akong isang salamin na nabasag.. tagpi-tagpi na ang aking pagkatao.. sa tingin mo ba, mabubuo pa akong muli..? paano?


Pero bakita ganun? kahit na ako na ang gumagawa ng paraan upang makasabay sayo, sadyang masaklap ang kapalaran k0..hindi nga tayo pinagsasabay ng mundo..


Ang hinihiling ko lang sa mga bituin.. kahit na hindi tayo magkasundo, ay sana, hawakan mo lang ang mga kamay ko...


Naririnig mo ba ako, Pa? hawakan mo lang ang mga kamay ko... Nakalimutan mo na bang anak mo ako?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home