Sweetest Mistake

"Life offers you a thousand chances..all you have to do is to take one.."

Tuesday, November 14, 2006

November 14, 2006 (Sandy SayS GOODBYE)

Last p0st..


0o last post ko na siguro ito sa ngayon. kailangan ko nang mag move on sa mga ngyari.. ayoko nang balikan pa ang mga nakaraan ko.. auko namang mabuhay ako sa kalungkutan..

mejo madami na rin akong ipinamahagi dito.. saya. lungkot. galit. poot. frustrations. pagtatagumpay. pero dumating na ang sandaling kailangan ko na munang magpaalam..

Hindi lamang ako sa blog ngpapaalam.. marahil, nagpapaalam rin ako sa mga taong nakibahagi dito.. sa mga nagbasa... at higit sa lahat.. nais ko na nang magpaalam sa taong minahal ko ng lubusan..

Madami tayong pinagsamahan.. madami ring naging problema.. pero ito na yung panahong kailangan na nating magpaalam sa isa't isa.. magpaalam sa mga ala ala.. parang isang alikabok na sumasabay sa hangin.. hayaan na lang natin na ang panahon ang mag udyok sa atin palapit muli sa isa't isa..

Hindi kita sinisisi sa mga ngyari.. gusto ko lamang na malaman mong hindi lang ako ang nagkamali.. parehas tayo.. kung hindi dahil sa ating pagmamatigas at gantihan, hindi na sana aabot ang lahat dito.. hindi na sana tayo magkakahiwalay pa..

Kung nagkaroon lang sana tayo ng oras para sa isa't isa, matagal ko na sanang nasabi at nailabas ang aking mga pagdaramdam at sakit. matagal ko na rin sanang sinabi sa iyo kung gaano kita minahal ng lubusan..

Hindi ka man magsabi ng "sorry" sa mga ngyari, ayos lang.. dahil alam kong ganyan ka na.. matigas ang loob mo. ma-"pride" kumbaga.. pero tanggap ko na kung ano ang iyong pagkatao.. dahil minahal kita..matagal na kitang pinatawad ng palihim..kaya ako na lamang ang hihingi ng paumanhin sayo.. humihingi ako ng tawad sa mga kakulangan ko ng pagmamahal sa iyo noon.. sa lahat ng pagkukulang ko.. dahil alam ko naman na kung hindi dahil sa mga pagkukulang ko noon, hindi ka masasaktan.. at higit sa lahat.. hindi ka gaganti..

Gusto ko ring sabihin sayo na palihim kitang minahal nung nasa unang taon pa lamang tayo ng high school.. ngunit dahil sa masaklap ang kapalaran, naging magkaibigan lang talaga tayo. Pinilit kong alisin ka sa aking isipan at tuluyang iwan ang mga ala ala mo.. alisin ang aking mga nararamdaman para sa iyo.. ako na ang nagparaya.. Dahil ang alam ko, magiging masaya naman ako balang araw.. Naging akin ka nga..masaya nga ako.. ngunit sa huli.. ako parin pala ang kawawa...

Pero hindi pala..

Oo tama.. hindi ako kawawa.. Masyado lang akong nalungkot sa paghihiwalay natin.. masyado akong nabigo sa pagmamahal mo kaya kinaawaan ko ang aking sarili.. nagkamali ako.. hindi ko dapat yun ginawa..

Pagkatapos kitang iyakan ng isang araw, kumain na lamang ako ng footlong kasama ang kuya ko. Nilabas ko sa kanya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.. At sinabi niang hindi dapat ako nghinayang sa paghihiwalay natin.. Dahil parehas tayong nagkamali.. tama.. sana naisip mong mali ka rin.. Dahil nagmatigas ka. kaya naman ngayon masaya akong namumuhay kasama ang aking mga kaibigan.. nang wala ka.

Oo.. nang WALA ka..pero hindi ko kayang sabihing wala kang kwenta at hindi kita kailangan dahil kahit papaano ay minahal natin ang isa't isa..Kahit masakit ang mga pangyayari.. umaasa parin akong babalik ang dating saya ng buhay ko..Umaasa pa rin akong balang araw ay mamahalin parin kita gaya ng pagmamahal ng isang bata sa kanyang ina.. na tila ayaw niang mawala sa kanyang tabi ang nanay nia.. ganun ako sayo..

Kaya sana..Isang araw ay maisip mong nasaktan ako.. at kailangan parin kita ngayon.. Kahit na may taong sumasalo sa mga problema ko.. Kahit pilit kong ipalit sya sayo.. sa twing mgkasama kmi ay naiisip kong sana'y kasama kita.. sana ang mga kamay mo ang hawak hawak ko..sana ang mukha mo ang nakikita ko ngayon.. sana ikaw parin ang taong nasa tabi ko.. Yan lang ang hinihiling ko sa langit..Sana lang naman e.. sana lang..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home